I Think Mahal Pa Rin Kita

Kadiri. Ilang taon na ang nakalipas, naiisip pa rin kita. Napakatagal na kung kailan tayong huling nag-usap, naaalala ko pa rin ang tinig ng boses mo. Kadiri. I think I still love you.

Actually, burahin nalang natin ang “I think”. Sa totoo lang, “I know” yan eh. I still care about you, that’s undeniable. Bakit sa tingin mo, tutok na tutok ako kung may chismis sila tungkol sayo? Siyempre, yun na nga lang yung paraan na kung paano ko malalaman yung mga nangyayari sa buhay mo ngayon eh. Sorry na. Bawal kasi tayo mag-usap.

Gusto ko ipa-alam ‘to sa mga kaibigan ko. Pero siyempre, sa akin muna ‘to kasi hindi ko pa nga natatanggap sa sarili ko na oo, mahal pa kita. Kaya hihintayin ko muna dumating ang panahon na kaya ko nang tanggapin na ito ang realidad at pagtitigilan ko na ang pagsisinungaling ko sa sarili ko.

Pero grabe…

Sana nalaman ko na nung simula pa lang. Eh kasi naman eh. Sino nga ba nasa tamang isip ang mag-iisip na may posibilidad naman pala tayo mangyari? Na mamahalin mo naman ako sa paraan na mahal kita? Pero sana, kahit napakabaliw ang ideya na ‘yun, sana nakita ko nalang na parating na pala sa akin… na mangyayari nga talaga.

Sana sinabi mo nang mas maaga. Ano kaya nangyari kung yun ang naging diskarte mo? Yikes. Magiging tayo siguro. O kaya, kung may disiplina tayo parehas, pipigilan natin… kaso, nandun pa yung feelings eh, di ba?

Pasensya na. Pasensya na kasi dahil sakin, nawala sayo trabaho mo. Pasensya na kasi dahil sakin, nawala ka bigla sa circle of friends mo dito sa faculty ng school natin. Pasensya na kasi hindi ko pinansin ang mga limitasyon ko. Pasensysa na kung napilitan ka nalang. Pasensya na kasi dahil sakin, madumi na pangalan mo. Pasensya na kasi dahil sakin, wala ka na dito. Pasensya na kasi minahal kita. Pasensya na rin kasi sinabi ko sayo.

Advertisements